theAsianparent Philippines Logo

Ano ang ating maaring gawin bilang magulang upang ito ay maiwasan?

Iwasan ang epekto ng maagang sa pagbubuntis sa tulong ng mga impormasyong tampok sa artikulong ito.

Ang Pilipinas ay nakapagtala ng kabuuang 180,916 na live birth sa mga kabataan na may edad 10 hanggang 19 noong 2019, ayon sa datos ng Civil Registration at Vital Statistics System ng Philippine Statistics Authority .

Ang bilang ay katumbas ng 495 na live birth kada araw sa 10 hanggang 19 na pangkat ng edad.

Talaan ng Nilalaman

Maagang pagbubuntis

Ang maagang pagbubuntis, kabilang na ang teenage pregnancy, ay isa sa maraming isyung kinahaharap ng mga kabataang Pilipino sa kasalukuyan. Pilipinas ay may pinakamataas na rate ng teenage pregnancy sa kalakhang ASEAN bagaman nagkaroon ng pagbaba ng bilang ng live births noong 2016.

Nagiging resulta ng maagang pagbubuntis ang pagiging masakitin ng mga naging ina, at posible din silang maging problema kaugnay ng ekonomiya. Ang mga nagbubuntis sa murang edad ay laging hindi nakakakapagtapos ng pag-aaral. Dagdag pa, mas maliit ang maaaring makuhang sahod at kita dahil sa pagtigil ng pag-aarl. Nagiging direkta itong epekto sa ati bansa,

Maliban sa may direktang epekto sa baby ang maagang pagbubuntis, may epekto rin ito sa iyong kalusugang pisikal at maging mental.

Ang exposure sa matinding kahirapan, bunga ng social at biological na salik, ang maaaring nagtutulak sa mga kabataan na maging normal ang teenage pregnancy. Sa kabila ng nagugutom na pamilya, hindi pa rin nagiging matuwid ang pagtalakay sa teenage pregnancy, ang mga epekto nito, at kung paano iiwasan.

Sanhi at dahilan ng maagang pagbubuntis

Ayon sa pag-aaral na ginawa ng WHO, may iba’t ibang dahilan kung bakit nagaganap ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis sa kabataan.

Maaaring dahil sa dikta ng lipunan na kanilang ginagalawan, kung saan kailangan nang magbuntis ng isang babae ng maaga o bata pa. Maaaring dahil sa kakulangan ng edukasyon o trabaho na pangunahing dahilan ng maagang pagbubuntis dito sa ating bansa.

Ayon sa University of the Philippines Population Institute ay maaaring magkaroon ng baby boom sa 2021 — tinatayang 751,000 karagdagang hindi planadong pagbubuntis dahil sa mga kondisyong nilikha ng pandemya .

1. Kawalan ng access sa birth control

Ang mga pangunahing dahilan ng mas mataas na rate ng teenage pregnancy ay ang hindi sapat na edukasyon sa pakikipagtalik (ang ilang mga batang babae ay hindi alam na ang pakikipagtalik ay maaaring magresulta sa pagbubuntis o ganap na isaalang-alang ang responsibilidad ng pagkakaroon ng mga anak) at kawalan ng access sa birth control .

 2. Kahirapan

Dahil sa kahirapan, ang iba’y hindi na nakakapag-aral na nagdudulot ng kakulangan ng kaalaman sa panganib ng maagang pagbubuntis.

3. Hindi open-minded sa usapang ukol sa sex education

epekto ng maagang pagbubuntis

Larawan mula sa Shutterstock

Bago ang reproductive health law , walang pormal na sex education sa Pilipinas, at hanggang ngayon, ang pagsulong nito ay nananatiling tagpi-tagpi at napakalimitado.

Pinagsasama-sama ng mga teenager ang impormasyon batay sa kung ano ang ipinapasa sa kanila ng mga magulang , mga sermon mula sa mga pari at mga bulong-bulongan mula sa isa’t isa, na kadalasang nakukuha mula sa Internet o mga kuwento ng matatanda.

Sila ay may praktikal na kaalaman ukol sa puberty ngunit hindi nila tinatalakay ang proseso ng paglilihi , ang mga paghihirap at gastos sa pagpapalaki ng isang bata. Sa ganitong usapan, ang mga teenager ay agad na iniiba ang usapan.

4. Aborsyon

Sa Pilipinas, ang aborsyon ay ilegal sa lahat ng kaso. Ang pagpapalaglag ay itinuturing na isang kasalanan. Naiintindihan ng midwife ang lahat ng ito ngunit mag-aalok pa rin ng aborsyon. Hiniling niya na huwag gamitin ang kanyang pangalan dahil sa takot na arestuhin.

Dahil sa konseptong ito, ang iba ay hindi natatakot mabuntis ng maaga dahil may opsyon silang ipalaglag ito.

Narito pa ang ilang sanhi ng teenage pregnancy ayon Plan International:

  •       Hindi sapat na access sa mga serbisyong iniayon sa mga kabataan
  •       Pampamilya , komunidad at panlipunang impluwensya na magpakasal
  •       Sapilitang pag-aasawa
  •       Sekswal na karahasan
  •       Pagdo-drop out sa eskwelahan

Ang mga salik tulad ng kita ng magulang at ang lawak ng edukasyon ng isang batang babae ay nag-aambag din dito. Samantala, ang mga batang babae na nakatanggap ng kaunting edukasyon ay 5 beses na mas malamang na maging isang ina kaysa sa mga may mas mataas na antas ng edukasyon.

Kadalasang humihinto sa pag-aaral ang mga babaeng nabuntis nang maaga, na nagiging sanhi para magkaroon sila ng limitasyon upang hindi makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng trabaho. Dahil rito nagpapatuloy sa ikot ng kahirapan.

Sa maraming mga kaso, ang mga batang babae ay nakikita na ang pagbubuntis ay isang mas mahusay na opsyon kaysa sa pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral.

Bilang karagdagan, maraming babae ang nahaharap sa matinding pressure na mag-asawa ng maaga at maging mga ina habang sila ay bata pa.

Ang teenage pregnancy ay tumataas kapag ang mga batang babae ay pinagkaitan ng karapatang gumawa ng mga desisyon tungkol sa kanilang sekswal at reproductive na kalusugan at kagalingan.

Teenage pregnancy: Mga maaaring maging epekto ng maagang pagbubuntis

Epekto ng maaga o di inaasahang pagbubuntis

Ang maagang pagbubuntis o teenage pregnancy ay tumutukoy sa pagdadalang-tao ng mga dalagang edad 15 hanggang 19 anyos. Ayon sa World Health Organization o WHO tinatayang nasa 21 million teenage pregnancies ang naitatala sa mga developing countries sa buong mundo taon-taon.

Nasa 12 million sa mga ito ang tagumpay na nakapanganak. Habang may naitalang nasa 5.6 million ang sumailalim sa abortion upang wakasan ang hindi inaasahang pagbubuntis.

Sa 5.6 million na kaso ng abortion, 3.9 million ang hindi ligtas at naging dahilan ng pagkasawi ng teenager na nagdadalang-tao. Isa sa nakakabahalang epekto ng maagang pagbubuntis na nilalayong maiwasan ng mga health authorities sa buong mundo.

Ayon sa pag-aaral na ginawa ng WHO, may iba’t ibang dahilan kung bakit nagaganap ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis sa kabataan.

Maaaring dahil sa dikta ng lipunan na kanilang ginagalawan, kung saan kailangan nang magbuntis ng isang babae ng maaga o bata pa. O maaaring dahil sa kakulangan ng edukasyon o trabaho na pangunahing dahilan ng maagang pagbubuntis dito sa ating bansa.

Ano ang epekto ng maagang pagbubuntis?

Isa pa sa epekto ng maagang pagbubuntis ay ang dala nito sa kalusugan ng isang babae at kaniyang dinadalang baby. Marami ang mga kumplikasyon ang maaaring maranasan ng ina at ng sanggol sa pagbubuntis.

Sapagkat hindi pa well-developed ang katawan ng babae sa pagbubuntis kaya naman maraming mga kumplikasyon ang maaari niyang maranasan. Maaaring masawi ang ina, o ang sanggol, o ‘di naman kaya’y may mga kundisyon ang sanggol na kaniyang ipinanganak.

Hindi lamang binabago ng pagdadadang tao ang mga pisikal na katangian ng teenage moms kapag sila ay nagubuntis. Dumadaan din sa buhay ng bawat magiging ina ang pagbabagong mental. Maaaring makaranas ng epekto ng maagang pagbubuntis ang isang kabataan tulad ng:

  • ‘di makatulog sa gabi o madalas na walang tulog
  • pag-iisip at pagiging abala sa paghahanda ng child care sa inaasahang baby
  • pagpabalik-balik na kunsoltasyon sa doktor at OB
  • pagbabakasali at pagsubok na tapusin ang high school

Bagaman hindi lahat ng maagang nagbubuntis ay naaapektuha ng pisikal at mental na pagbabago, marami pa rin ang nakakaranas. Kung napansin mong may nagbago sa iyong mental health pagkatapos mong manganak, maiging humingi agad ng professional help.

epekto ng maagang pagbubuntis

Love photo created by Racool_studio – www.freepik.com  

Epekto ng maagang pagbubuntis: Mga isyu at suliranin ng maagang pagbubuntis

Pagdating sa epekto ng maagang pagbubuntis, hindi lang buhay ng babae o teenager na nagdadalang-tao ang maaaring maapektuhan. Maraming mga isyu at suliranin ang kakaharapin ng mga teenage moms sa maagang pagbubuntis.

Dagdag pa, pati rin ang dinadalang sanggol ay direktang apektado. Ang tinutukoy na madalas na epekto ng maagang pagbubuntis ayon sa mga pag-aaral at mga eksperto ay ang sumusunod:

From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child

1. Kakulangan sa prenatal care .

Madalas ang mga teenage parent ay walang nakukuhang suporta mula sa kanilang magulang o hindi tanggap ang kanilang pagdadalang-tao. Kaya naman sila at ang kanilang dinadalang sanggol ay hindi nakakakuha ng adequate prenatal care.

Ang prenatal care ay napakaimportante at kritikal lalo na sa mga unang buwan ng pagbubuntis . Ginagawa ito upang masiguro na walang magiging problema o normal ang mommy na nagbubuntis at ang baby na kaniyang dinadala.

Pati na upang agad na matukoy at makaiwas sa mga medical o birth defect problem ang sanggol na dinadala ng dalagang ina.

2. Pregnancy at childbirth complications.

epekto ng maagang pagbubuntis

Image by hyeongchae hwang from Pixabay  

Ayon pa rin sa WHO, ang pregnancy at childbirth complications ang isa sa pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga teenage parent na may edad 15-19 anyos. Partikular itong nararanasan ng mga batang ina sa mga low at middle income na bansa. Ang mga ito’y maaaring maiwasan kung mabibigyan ng tamang pangagalaga o prenatal care ang buntis at ang kaniyang dinadalang sanggol.

3. High blood pressure .

Ang mga teenager na buntis ay mas mataas ang tiyansang magkaroon ng high blood pressure kumpara sa kababaihang may edad na bente at trenta anyos.

Ito’y kilala sa tawag na pregnancy-induced hypertension na nagdudulot din ng komplikasyon sa pagbubuntis na preeclampsia.

4. Premature birth .

Ang kababaihang nabuntis din ng maaga ay mataas ang tiyansang makaranas ng premature birth o ang pagbubuntis na hindi umabot sa full-term o 40 weeks pregnancy.

Naiiwasan naman ito sa pamamagitan ng mga medikasyon sa tulong ng prenatal care.

Ang mga sanggol na ipinanganak na premature ay mas mataas ang tiyansang magkaroon ng mga health problem sa respiratory, digestive, vision, cognitive at iba pa.

5. Low birth weight baby.

Ang mga sanggol rin na ipinanganak na premature ay mas magaan ang timbang kumpara sa mga full term baby na ipinagbuntis.

Ito’y dahil mas kakaunti ang oras o araw nilang lumaki pa sa sinapupunan ng kanilang ina.

6. STD o Sexually Transmitted Disease .

Isa pa sa maaaring maging epekto ng maagang pagbubuntis at kakulangan sa kaalaman tungkol sa sex ng kabataan ay ang pagkakaroon ng Sexually Transmitted Disease o STD. Ang pagkakahawa ng isang buntis sa mga sakit na ito ay maaaring makaapekto sa sanggol na kaniyang dinadala.

7. Postpartum depression .

Teenage pregnancy: Mga maaaring maging epekto ng maagang pagbubuntis

Image by Tep Ro from Pixabay  

Sanhi ng mura pang kaisipan, isa pang bagay na madalas na nararanasan ng mga teenage mom ay ang postpartum depression.

Bagama’t ito ay normal lamang sa kababaihan matapos manganak. Mas nagiging mahirap ito sa mga batang ina na wala pang karanasan sa pag-aalaga ng kanilang sanggol at sa bagong responsibilidad na kanilang haharapin.

8. Hindi makapagtapos ng pag-aaral.

Sanhi ng mabigat na responsibilidad sa murang edad. Mataas ang tiyansa na hindi na makatapos ng pag-aaral ang isang teenage parent. Lalo na kung ang pagbubuntis ay walang suporta o hindi tanggap ng kanilang magulang.

Paano maiiwasan ang maagang pagbubuntis?

Ang maagang pagbubuntis pati na ang mga epekto nito ay maaari namang gawan ng paraan kung paano maiiwasan. Magagawa ito sa tulong nating mga magulang at ng eskuwelahan.

Ang unang paraan nga upang ito ay magawa ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na kaalaman sa mga teenager tungkol sa sex. Kung paano ito nagaganap at ang maaaring maging bunga o epekto nito sa kanilang buhay.

Kasunod nito ay dapat maipaliwanag sa kanila kung bakit mahalaga na kung hangga’t maaari ay umiwas muna sila pakikipagtalik. O kung hindi ay bigyan o suportahan sila sa paggamit ng birth control o contraception upang mas maiwasan ito at ang epekto ng maagang pagbubuntis.

Pero maliban sa mga nabanggit, mahalaga na maiparamdam sa mga teenager sa lahat ng oras ang ating pagmamahal at suporta. Upang hindi sila mag-alinlangan na lumapit sa atin at magsabi ng mga nasa isip nila.

Partikular sa mga bagay tulad sa sex na kailangan nila ang ating kaalaman at gabay. Upang maiiwas sila sa maagang responsibilidad na hindi pa karapat-dapat sa kanila at hindi pa sila handa.

Karagdagang ulat mula kay Nathanielle Torre

WebMD, WHO , NPR, NNC, Healthline, BMC Pregnancy

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android !

img

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

Nathanielle Torre

  • Para Sa Magulang
  • Teenage pregnancy: Mga maaaring maging epekto ng maagang pagbubuntis

Maagang pagbubuntis: Ano ang dapat gawin ng mga magulang at kabataan?

Maagang pagbubuntis: Ano ang dapat gawin ng mga magulang at kabataan?

Teenage mom inalay ang kaniyang pagtatapos sa anak

Teenage mom inalay ang kaniyang pagtatapos sa anak

Awra's father sa pagkakaroon ng two gay sons: "Kung hindi ko matatanggap, paano pa 'yong ibang tao?"

Awra's father sa pagkakaroon ng two gay sons: "Kung hindi ko matatanggap, paano pa 'yong ibang tao?"

Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto pa Ok, nakuha ko

Mga Tekstong Impormatibo

Martes, nobyembre 29, 2016, maagang pagbubuntis (teenage pregnancy) ni: mary johnette p. piojo.

early pregnancy essay tagalog

If you're looking to lose kilograms then you absolutely need to try this totally brand new personalized keto meal plan. To create this keto diet, certified nutritionists, fitness couches, and top chefs have joined together to produce keto meal plans that are efficient, convenient, money-efficient, and enjoyable. From their launch in 2019, 100's of clients have already remodeled their figure and health with the benefits a proper keto meal plan can offer. Speaking of benefits: in this link , you'll discover 8 scientifically-tested ones provided by the keto meal plan.

early pregnancy essay tagalog

Dapat wag muna magmamadali sa pagkakaroon ng anak kase hindi ito madali kailangan itong pagisipan ng mabuti bago ka mag buo ng pamilya

BUNTISKO

  • Pagpaplano ng Pamilya
  • Pagbubuntis
  • Panganganak

early pregnancy essay tagalog

Ano ang Teenage Pregnancy: Mga Dapat Mong Malaman Tungkol sa Maagang Pagbubuntis

ad

Naghahanap ka ng pangunahing mga impormasyon tungkol sa kung ano ang teenage pregnancy? Ang artikulong ito ay nakatutok sa kung ang teenage pregnancy at kung ano ang mga dahilan sa likod ng isyung ito.

Ano ang teenage pregnancy?

Ang teenage pregnancy ay binigyang kahulugan ng mga diksyunaryo bilang ang hindi ginustong pagbubuntis ng isang babae sa kanyang pagdadalaga. Parami nang parami ang kaso ng teenage pregnancy lalo na sa mga bansang mahihirap tulad ng Pilipinas. Sa kasamaang palad, dahil sa kakulangan ng sapat na kaalaman ukol sa teenage pregnancy, marami parin sa mga kabataan ang naniniwala na hindi sila mabubuntis kahit na makipagtalik sila ng wala pa sa tamang edad at hindi pa kasal.

Mga dahilan ng teenage pregnancy

Ngayong nasagot na natin ang tanong na “ano ang teenage pregnancy”, mas marapat nating tuonan ng pansin ang mga dahilan sa likod ng maagang pagbubuntis ng mga kabataan sa ngayon. Narito ang ilan sa mga pangunahing dahilan ng teenage pregnancy.

Peer pressure. Sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata, ang mga teenager ay kadalasang nakadarama ng peer pressure na makipagkaibigan at maging kapareho ng kanilang mga kaedad. Sa maraming mga pagkakataon, ang mga kabataang ito ay pumapayag na maimpluwensyahan sila na makipagtalik kahit na hindi pa nila lubos na naiintindihan ang kaakibat na mga resulta ng ganitong mga gawain. ANg mga kabataan ay nakikipagtalik dahil ang akala nila ay pinagmumukha sila nitong cool at naaayon sa uso. Ngunit kadalasan, ito ay nauuwi sa hindi inaasahang pagbubuntis.

Kawalang tamang gabay ng mga magulang. Ang isang kabataang babaeng ay mas malamang na mabuntis kung limitado o walang tamang patnubay ng kaniyang mga magulang. Ang mga magulang na sobrang busy ay hindi nakapagbibigay ng tamang gabay sa kanilang mga anak na gumagawa ng imporatanteng mga disiyon sa buhay, halimbawa ay sa maaagang pakikipagtalik at kung ano ang teenage pregnancy. Kapag ang isang bata ay hindi komportable na ipakipagusap ang kaniyang problema dahil sa bawal nap ag usapan ang sex sa bahay, o kaya naman sobrang busy ng kaniyang mga magulang para dito, maghahanap siya ng mga kasagutan sa ganitong mga isyu sa kapwa niya mga kaedad. Pwede itong mauwi sa palitan ng maling mga impormasyon na maaaring mauwi sa maagang pagbubuntis.

Media. Ang industriya ng pelikula at ang media ay nakadaragdag sa mga kaso ng maaagang pagbubuntis dahil sa pinagaganda nito ang itsura ng maaagang pakikpagtalik at pagbubuntis sa mga panoorin sa TV at sine. Ang mga pilikulang nagtatampok sa maagang pagbubuntis bilang isang katanggap-tanggap na sitwasyon ay nakahihikayat sa mga kabataan na subukan ang walang habas na mga kaugalian sa pakikipagtalik.

Kawalan ng tamang kaalaman. Ang mga kabataang hindi naturuan ng tama tungkol sa sex ay mas malamng na maging biktima ng hindi ginustong pagbubuntis. May mga kabataang hindi pa lubos na nauunawaan ang biolohikal at emosyonal na mga aspeto na kaakibat ng pakikipagtalik. Ang mga kabataang ito ay malamang na nakakuha ng maling mga impormasyon galing sa mga kaibigan, mga video, telenovela o mga pelikula. Sa kadalasan, ang mga teenager ay wala ng tamang kaalaman para makagawa ng tamang mga disisyon kung makikipagtalik sila o hindi.

Paglalasing. Ang pagiinom ng alak ng mga kabataan ay pwedeng mauwi sa hindi ginustong pagbubuntis. Maraming mga kabataan ang nageeksperimento sa droga at alak. Ang pag inom ay nagpapahina ng kakayahan ng kabataan na kontolin ang bugso ng kanilang mga damdamin, na siyang dahilan ng higit sa 75% na mga kaso ng teenage pregnancy.

Ano ang teenage pregnancy? Ito ay ang maaga at hindi ginustong pagbubuntis sa gitna ng mga teenager. Ito ay isang malaking suliranin na pwede mong maiwasan kung hindi ka magpapadala sa peer pressure, magpapagabay sa magulang at iiwas sa masamang mga kasama.

early pregnancy essay tagalog

Mga Paraan Kung Paano Mapipigilan ang Pagbubuntis

early pregnancy essay tagalog

Safe Ba Ang Withdrawal Method sa Pagpigil sa Pagbubuntis

early pregnancy essay tagalog

Anu-Ano ang Mga Sintomas ng Mababang Matris

early pregnancy essay tagalog

Pagkatapos ng Period ng Babae Posible ba Silang Mabuntis?

early pregnancy essay tagalog

Hilot Pampalaglag: Epektibo Ba ang Paghilot sa Matris?

early pregnancy essay tagalog

Mga Argumento Tungkol sa Aborsyon: Sang-Ayon Ka ba Sa Aborsyon?

Request a quote.

Bunternity

  • Menstruation
  • Pagbubuntis

early pregnancy essay tagalog

Maagang Pagbubuntis: Mga Mga Dahilan at Posibleng Epekto

ad

Ang usapin sa maagang pagbubuntis ay kalat na kalat na sa iba’t-ibang parte, hindi lang ng ating bansa, maging ng mundo. Sa ngayon, tayo ay nahaharap sa masaklap na katotothanang, sa napaka-murang edad pa lamang, marami na sa mga batang kababaihan ang mayroon nang sariling anak. Ayon sa pag-aaral, dito sa Pilipinas, sa isinagawang 1995 census, may halos 2 milyong kalalakihan at kulang-kulang na 1 milyong kababaihang may edad 15 hanggang 24 ang sexually active o aktibo na sa pakikipagtalik. Sa katunayan, ayon pa rin sa pananaliksik, 7 percent ng mga kabataang sexally active ay hindi gumagamit ng contraceptives o pang-kontrol para hindi kaagad magbuntis ang babae o magkaanak.

Base naman sa report na inilabas ng World Health Organization (WHO), 20 percent ng mga kababaihang Pilipino ay nabubuntis sa edad pa lamang ng 19 anyos o pababa. Kaugnay pa nito, binubuo ng 30 porsiyento ang mga batang ina. Bakit mga ba maagang nabubuntis ang karamihan sa mga kabataan babae ngayon? Napakaraming mga maaaring maging dahilan kung bakit nangyayari ito. Nangunguna na sa mga kadahilanang iyan ang teknolohiya. Marami sa mga kabataan ngayon ang exposed na exposed sa social media ati ba’t-iba pang mga websites na hindi Malaya nilang nabubuksan at nababasa ang kabuuan at lahat ng nilalaman mula sa teksto hanggang sa mga photos at videos. Kadalasan, ang mga content na ito ay nagtataglay ng pornograpiyang nakapaghihikayat sa mga teenagers na maging mapusok at sumubok sa premarital sex.

Mga pangunahing dahilan ng maagang pagbubuntis

Bukod sa teknolohiya, marami pang ibang mga dahilan kung bakit maagang nabubuntis ang mga kabataang babae. Narito ang ilsan sa mga ito:

  • Peer pressure – maaaring ang dalaga ay nagpapadala sa mga kaibigan o sino mang nakapaligid sa kaniya. Kadalasan ang magbabarkadang madalas ay partner-partner kapag lumabas o gumumigimik, ay nagiging mas mapusok lalo na kung nakainom na ng alak o anumang alcoholic drink. Madalas din, ito ay dahil sa kagustuhan ng kani-kanilang mga kapareha o kaya naman, ng magkapareha. Ayon sa isang pag-aaral, 1 sa bawat 3 binata, edad 15-17 years old, ay nakikipag-sex nang dahil sa pressure na dulot ng mga kaibigang kalalakihan. Sila ay pinipilit ng mga kabarakdang makipagtalik sa kasintahan o kabarada ring babae.
  • Pag-inom ng alak o ano mang alcoholic drink – Ika nga ng nakararami, “Pag may alak, may balak.” Kadalasan, dala ng kalasingan, nagiging mas mapusok ang mga kabataan at natutuksong gumawa ng hindi dapat, kagaya ng pakikipagtalik sa mura nilang edad. Kaya naman nagreresulta ito, madals sa maagang pagbubuntis.
  • Kakulangan sa kaalaman tungkol sa pakikipag-sex – Partikular sa ating bansa, ang sex education na dapat na itinuturo sa mga paaralan ay isang napakalaking isyu at diskusyon. Bagamat napakalakas ng panawagang nanggagaling mula sa iba’t-ibang sektor sa Pilipinas para sa usaping ito, mahigpit pa ring tumututol ang simbahang Katoiko, maging ang iba pang mga konserbatibong organisasyon.
  • Internet at social media – Ito ay naituturing ngayon na pangunahing dahilan ng maagang pagbubuntis. Totoo at hindi maikakailang ang internet ay hitik na hitik sa mga pornogrpiyang materyal na napakadaling i-access ng mga kabataan ngayon.
  • Personal na problema – Ang kabataang may problema sa pamilya ay sa mga kabarkada naghahanap ng kalinga at atension. Madalas, ang akala nila sila ay nakahanap na ng karamay kapag kasama ang kanilang mga kaibigan dahil ‘sinasamahan’ sila sa lahat ng oras. Ngunit halos sa lahat ng oras ng pagsasama, may kaharap namang alak o mas malala pa, droga, kapag nagkakasama-sama. Base sa pag-aaral at mga pakikipanayam sa mga awtoridad, dalawa lang o isa sa dalawa ang madalas na kahihinatnan ng pag-iinuman at pagdodrogang dala ng personal na problema. Ito ay ang pakikipag-basag-ulo sa iba pang mga kabataan, o pakikiapag-sex sa kapareha o sino mang makilalang ‘game’ ding makipagtalik.

Mga posibleng epekto ng maagang pagbubuntis

Malaki ang tsansa ng pagkakaroon ng negatibong epekto ang maagang pagbubuntis . Ilan na sa mga ito ang mga sumusunod:

Physical, emotional, psychological at mental na suliranin – ito ang nagiging dulot kadalasan ng pagbubuntis ng maaga o teenage pregnancy sa mga kapamilya at kamag-anak, at maging sa magiging anak. Dahil hindi pa handa ang pangangatawan at lack of knowledge ng mga kabataang ina, napakalaki ng tsansang magkaroon ng premature birth o ano pa mang kumplikasyon sa mental at pisikal na kundisyon ng bata.

Sex-related na sakit – Ang sakit na may kinalaman sa napakarami pang karamdaman sa katawan ang maaaring makuha dulot ng maagang pagbubuntis gaya ng body impairments, chronic at respiratory diseases at higit sa lahat, ang sexually-transmitted disease o mas kilala sa tawag na STD.

Pagkasira ng kinabukasan – Ang teenage pregnancy ay puwedeng maging dahilan ng sapilitan na paghinto sa pag-aaral na puwedeng magresulta ng pagkasira ng isang napakagandang kinabukasan.

Aborsyon – dahil sa tinatawag na untimely pregnancy, nang dahil sa pagbubuntis ng maaga, nakapag-iisip na magpalaglag ang isang kabataang babae, maging ang kaniyang kapareha.

Mga dapat gawin upang maiwasan ang teenage pregnancy

Kung ikaw ay may anak na kabataang babae, mainam na malaman mo kung paano makakaiwas ang iyong anak sa maagang pagbubuntis. Habang maaga, maging alerto na sa mga posibilidad na mangyari ito. Mas mabuti ring maturuan ang mga kabataan sa tamang pakikitungo sa kapwa nila kabataan. Narito ang iba pang mga rekomendadong gawin:

  • Sapat na kaalaman tungkol sa family planning at contraceptives – kabilang dito ang paggamit ng birth control pills o condom, at iba pang pangkontra sa maagang pagbubuntis. Subalit mas madaling ipaliwanag sa kabataan ang family planning.
  • Pagtibayin at siguraduhing buo ang relasyon ng isang kabataan sa kaniyang pamilya. Kabilang na rin dito ang lakas ng pananampalataya sa Diyos at pagtutok sa kaniyang pag-aaral.
  • Ituro, sa kabila ng murang edad, ang seksuwalidad. Ipakilala ang anak o kabataan sa sex education at kung gaano kahalaga na alamain ito.
  • Mahalagang kilala mo bilang magulang, kung sino-sino ang kasama araw-araw ng iyong mga anak. Subukang kaibiganin ang mga kibigan ng iyong anak para malaman ang kanilang ugal nang sa gayon’s mapayuhan din ng mga dapat at di dapat gawin bilang mga kabataan.
  • Hangga’t maaari, piliting maging ‘best friend’ ng iyong anak. Hikayating maging open ang iyong anak sa iyo tungkol sa kaniyang mga suliranin at iparamdam sa kaniyang siya ay naiintindihan mo, ano man ang pinagdadaanan niya. Makatutulong ito para hindi makaisip na gumawa ng mga bagay na hindi dapat kung alam niyang siya ay may magulang na maaasahan sa ano mang oras.

Booking Table

Aralin Philippines

early pregnancy essay tagalog

Posisyong papel tungkol sa Teenage Pregnancy

Narito ang isang halimbawa ng Posisyong papel na tumatalakay sa Teenage Pregnanacy o Maagang Pagbubuntis ng mga Kabataan.

Kabataan: Sa Maagang Pagbubuntis

            Napakarami sa mga kabataan ang nabubuntis sa murang edad pa lamang. Hindi nila naiisip ang mga kaakibat na malaking responsibilidad na puwede nilang harapin kung sila ay naging magulang na. Taon-taon ay pataas nang pataas ang blang ng mga kabataang nabubuntis at pababa nang pababa na ang edad ng mga kabataan na naaapektuhan dito.

            Sa henerasyong ito aay nagiging lantad na ang mga kabataan sa ganitong klaseng mundo. Hindi naman makaKaila na marami na ring mga kabataan ang gustong mag explore at nagiging mas “curious” sa mga iba’t ibang bagay. Isa na rito ang Premarital Sex. Naniniwala ako na napakaraming mga negatibong epekto ang maagang pagbubuntis lalo na sa mga kabataan ngayon.

            Una, ang maagang pagbubuntis ay nakakasira ng buhay ng mga kabataan. Lalo na sa mga kababaihan dahil nagiging sagabal ito sa kanilang pag aaral. Pag silaý nabuntis ay matitigil sila sa pag-aaral at kailangan nilang mag-sakripisyo para sa kanilang magiging anak. Hindi ito biro dahil napakalaking sakripisyo at responsibilidad ang dapat nilang harapin. Gusto man nila ito o hindi ay wala silang magagawa kundi tanggapin na lang ito.

            Pangalawa, mahirap alagaan ang bata lalo na’t kung wala pang trabaho ang magulang. Kawawa ang bata dahil hindi maibibigay ng magulang ang paangangailangan niya. Mahihirapang alagaan ang bata lalo na’t mga kabataan palang ang kanyang mga magulang. Hindi nila ito magagabayan sa kanyang paglaki at magkakaroon ito ng malaking epekto kapag lumaki na ang bata.

            Pangatlo, sa mga hindi pa handa magkaanak dahil sa murang edad at takot sa kanilang mga magulang, maaaring sanhi din ito ng Aborsiyon sa mga walang kamuwang muwang na bata. Ang Aborsiyon sa Pilipinas ay yumayabong na dahil sa paataas nang pataas na bilang ng nabubuntis sa murang edad. Ang Aborsiyon ay hindi dapat ginagawa dahil kasalanan ito sa Diyos at maaari rin itong maging sanhi ng sakit sa mga kabataang gumawa nito. Walang panghahantungang maganda kapag pinalaglag ang bata.  

            Ngunit marami ring nagsasabi na may magandang epekto rin ang maagang pagbubuntissa mga kabataan dahil mas nalalaman nila ang realidad ng buhay at hindi magkalayo ang edad ng mga magulang sa bata. Magiging mas magkalapit sila dahil alam nila kung paano mag isip ang mga kabataan ngayon.

            Nasabi man ang lahat ng Positibong Epekto ay papanindigan ko parin n mas maraming “disadvantage” ang maagang pagbubuntis sa kabataan. Mas mabuti pang mag aral nalang sila ng mabuti at abutin ang kanilaang mga pangarap sa buhay upang makatulong sa kanilaang mga magulang kaysa gumawa sila ng anak sa murang edad pa lamang at umako ng napakalaking responsibilidad.

Isinulat ni: Justin James S. Aswigue

Related posts:

  • Halimbawa ng Posisyong Papel
  • Posisyong Papel
  • Salawikain Tungkol sa Pamilya
  • Ang talinghaga tungkol sa may-ari ng ubasan
  • Tula tungkol sa Pamilya
  • Halimbawa ng Sanaysay tungkol sa Pandemya
  • Ano ang Maikling Kwento: Uri at Elemento

Philippine E-Journals

Home ⇛ asia pacific journal of multidisciplinary research ⇛ vol. 2 no. 1 (2014), life brought at a tender age: the lived experiences of filipino teenage pregnant women.

Cristopher R. Parungao | Lowell P. Bautista | Roslyn Mariano | Vilma M. Bonifacio | Marjorie V. Aguinaldo

Discipline: Social Issues

Unintended teenage pregnancy is an ever-present issue in developing countries such as the Philippines. The impact of teenage pregnancy affects the physical, emotional, social, and spiritual well being of the adolescents. Teen pregnancies carry extra health risks to both the mother and the baby. Nurses play a crucial role in supporting young people as trusted practitioners in a range of settings. This study aimed to explore the lived experiences of the teenage pregnant women. Six adolescent female aged 12-19 years old who were pregnant with their first child agreed to participate. A qualitative inquiry, specifically Husserlian descriptive phenomenology was employed. Semi-structured in depth face-to-face interviews were undertaken, audiotaped, transcribed, and analyzed using Colaizzi’s method. The richness of the experiences shared by the selections provided the necessary information to understand and describe the essence of the phenomenon understudy. Cool and warm analyses captured the following emergent themes of Trends toward issues, Fortified faith, and Optimistic outlook. For the selections in this study, being pregnant at a young age did not mean that their life and future were all over. The women were optimistic about their futures. The findings of the study have vital implications in offering specific programs and services and in developing educational materials that focus on preventing teen pregnancy. While health nurse practitioners primarily provide services and education to teens and parents in various health care facilities, they also can be significant participants in prevention activities and coalitions that are based in a community. The outcomes of the study have possible contributions to the nursing practice, to policies that facilitate the promotion of the health of the teenage mothers and the prevention of teenage pregnancies, and in building future researches especially in the education of the teens about the consequences of pregnancy.

early pregnancy essay tagalog

Share Article:

early pregnancy essay tagalog

ISSN 2350-8442 (Online)

ISSN 2350-7756 (Print)

  • Citation Generator
  • ">Indexing metadata
  • Print version

logo

Copyright © 2024  KITE E-Learning Solutions |   Exclusively distributed by CE-Logic | Terms and Conditions

early pregnancy essay tagalog

IMAGES

  1. Early Teenage Pregnancy Essay Tagalog

    early pregnancy essay tagalog

  2. Talumpati Tungkol Sa Early Teenage Pregnancy

    early pregnancy essay tagalog

  3. Early Teenage Pregnancy Essay Tagalog

    early pregnancy essay tagalog

  4. Early Teenage Pregnancy Essay Tagalog

    early pregnancy essay tagalog

  5. ⇉Teenage Pregnancy in the Philippines Argumentative Essay Essay Example

    early pregnancy essay tagalog

  6. Thesis Early Pregnancy Filipino

    early pregnancy essay tagalog

VIDEO

  1. Teenage pregnancy (Talumpati)

  2. EJ Laure opens up on motherhood

  3. My pregnancy diet plan #minivlog #shortvideo #pregnancyjourney #recepies #dailyroutine #pregnancy

  4. PART 17: ANG RESULTA NG PREGNANCY TEST NI MEAN

  5. Victor finds out Juliana’s pregnancy

  6. Kahalagahan ng teenage pregnancy awareness

COMMENTS

  1. Sanaysay Tungkol Sa Teenage Pregnancy | PDF - Scribd

    Scribd is the world's largest social reading and publishing site.

  2. Talumpati - MAAGANG PAGBUBUNTIS NG KABATAAN “Teenage ...

    MAAGANG PAGBUBUNTIS NG KABATAAN. “Teenage Pregnancy”. “Ang hindi marunong maghintay madalas ay maagang nagiging nanay”. Isa ito sa mga kasabihang madalas nating naririnig sa mga nakakatanda, sa ating mga magulang, kapit-bahay at maging sa mga may sariling karanasan.

  3. Teen Pregnancy Sa Pilipinas: Heto Ang Mga Dapat Mong Malaman

    Ang teenage pregnancy, na tinatawag ding adolescent pregnancy, ay tumutukoy sa mga pagbubuntis ng mga kababaihan, may edad na 19 taong gulang pababa. Ang teenage pregnancy ay mapanganib, dahil ang katawan ng babae sa edad na iyon ay hindi pa umabot sa ganap na kapanahunan.

  4. Epekto Ng Maagang Pagbubuntis Na Dapat Mong Malaman

    Ang maagang pagbubuntis o teenage pregnancy ay tumutukoy sa pagdadalang-tao ng mga dalagang edad 15 hanggang 19 anyos. Ayon sa World Health Organization o WHO tinatayang nasa 21 million teenage pregnancies ang naitatala sa mga developing countries sa buong mundo taon-taon.

  5. MAAGANG PAGBUBUNTIS (TEENAGE PREGNANCY) ni: Mary Johnette P ...

    Ang teenage pregnancy ay mapanganib din para sa mga sanggol. Ayon sa mga datos, ang kaso ng premature birth ay mas mataas sa mga sanggol na isinisilang ng kabataang babae. Kung kaya't ang mga magulang ay may malaking papel para mabigyan ng gabay ang mga anak upang hindi maging ina sa murang edad.

  6. BUNTISKO ᐅ Ano ang Teenage Pregnancy: Mga Dapat Mong Malaman ...

    Ang teenage pregnancy ay binigyang kahulugan ng mga diksyunaryo bilang ang hindi ginustong pagbubuntis ng isang babae sa kanyang pagdadalaga. Parami nang parami ang kaso ng teenage pregnancy lalo na sa mga bansang mahihirap tulad ng Pilipinas.

  7. Bunternity ᐅ Maagang Pagbubuntis: Mga Mga Dahilan at ...

    Mga pangunahing dahilan ng maagang pagbubuntis. Bukod sa teknolohiya, marami pang ibang mga dahilan kung bakit maagang nabubuntis ang mga kabataang babae. Narito ang ilsan sa mga ito: Peer pressure – maaaring ang dalaga ay nagpapadala sa mga kaibigan o sino mang nakapaligid sa kaniya.

  8. Teen Pregnancy: The Downfall of the Filipino Youth By ...

    The problem of Philippines teenage pregnancy issue roots from the lack of sex education and the age of consent. As a predominantly Catholic nation, it is expected that one saves themselves for marriage;

  9. Posisyong papel tungkol sa Teenage Pregnancy - Aralin Philippines

    Posisyong papel tungkol sa Teenage Pregnancy. Narito ang isang halimbawa ng Posisyong papel na tumatalakay sa Teenage Pregnanacy o Maagang Pagbubuntis ng mga Kabataan. Napakarami sa mga kabataan ang nabubuntis sa murang edad pa lamang.

  10. Life Brought at a Tender Age: The Lived Experiences of ...

    Teen pregnancies carry extra health risks to both the mother and the baby. Nurses play a crucial role in supporting young people as trusted practitioners in a range of settings. This study aimed to explore the lived experiences of the teenage pregnant women.